Sikat ang Pinoy – Isla ng Boracay

Wednesday Jan 27, 2010

Sikat ang Pinoy sa Boracay

Sikat ang Pinoy sa Isla ng Boracay na isang tropikal na pulo na tinatayang matatagpuan 315 km (200 milya) sa timog ng Maynila at 2 km sa hilaga-kanlurang dulo ng pulo ng Panay sa Silangang Visayas sa Pilipinas. Isa lamang ito sa mga sikat na destinasyon ng mga turistang local at banyaga sa bansa. Binubuo ang pulo ng mga barangay ng Manoc-Manoc, Balabag, at Yapak, at nasa ilalim ng pamamahala ng Philippine Tourism Authority (Autoridad ng Turismo sa Pilipinas) na may ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Aklan.

Kahit saan ka man mapuntang lugar ay halos kilala ang pulo ng Boracay bilang isa sa mga pinaka magandang lugar na pwedend puntahan lalo na sa mga buwan ng Nobtember hanging Enero at Marso hanggang Mayo. Dito matatagpuan ang malaparaisong ganda ng dagat at napaka pinong buhangin.

Halos lahat ng mga local na turista ay naka sentro ang planong pagbabakasyon ditto lalo na sa buwan ng tag araw kung saan masisilayan ang ganda ng dagat nito. Halos mamangha ka sa iyong mararanasan kung ikaw ay mapapadpad dito.