
Pinoy Sudoku Grandmaster - Sarah Jane Cua
Sikat ang Pinoy – Di talaga natin maikakaila na talagang mahusay at magaling tayong mga Pinoy pagdating sa Sudoko. Ang Sudoku ay isang laro kung saan pinapagaan ang iyong logic na pag-iisip na ang layunin ay punuin ang mga kahuon ng numero (tunghayan sa wikipedia.org kung ano talaga ang sudoku).
Kamakailan lang ay natunghayan natin ang isang batang babae na magaling at mahusay sa sudoku. Isang 15 anyos na studyanteng babae na nanalo sa 4th Philippine Sudoku Challenge finals noong nakaraang Sabado. Tinalo nya ang 21 na mga kalahok at pinarangalan syang bilang “The Country’s Sudoku Grandmaster”. Siya ay walang iba kundi si Sarah Jane Cua, isang 3rd year high school student sa Pangasinan Universal Institute. Nakuha niya ang pinakamataas na puntos sa Grandmaster Division ayon sa Mathematics Trainers Guild (MTG).
Ayon kay Dr. Simon Chua, president of contest organizer ng MTG-Philippines, na mahigit kumulang 118 na mga kalahok ang sumali, studyante at mga professional sa tatlong kategorya: Sudoku Whiz Kid, Sudoku Wizard and Sudoku Grandmaster. Si Sarah Jane Cuah ay nakakuha ng 1,601 na puntos sa Grandmaster division sa limang round para mapanalunan niya ang titulo bilang Grandmaster at umuwi pa siya dala ang P 60,000 na cash prize at trophy.
Ang mga ibang kalahok na sumali na nanalo ay sina Matthew Chris Chan (Manila), first runner-up; Mariel Alexis Dee (Metro Manila), second runner-up; Jayhan Regner (Cagayan de Oro City), third runner-up; and Frederick Ong (Bacolod City), fourth runner-up.
Naging pambato rin ng Pilipinas si Sarah Jane Cua para sa Brand’s Asia Pacific Open Sudoku Contest na ginanap sa Singapore na nanalo ng grand prize noong taong 2008.
Ethan Riley Chan ng Zamboanga City, ay nanalo rin bilang kampyon sa kategoryang Sudoku Whiz Kid at nag-uwi ng cash prize na 20,000. ang iba pang nanalo ay sina: Magin Benedict Ferrer ng Iloilo City, bilang first runner-up; Lorenzo Jose Baquiran ng Iloilo City, bilang second runner-up; Kate Ann Adlaon of Lucena City, bilang third runner-up; at Candice Renee Beatric Solidarios of Calamba City, para sa fourth runner-up.
The 4th Philippine Sudoku Super Challenge ay inorganisa ng MTG sa tulong rin ng SM Supermalls, SHARP Calculators, SM Bowling, Phoenix Publishing, National Bookstore, DDB, Europa PR, at Ogilvy Philippines.
Di talaga matutumbasan ang galing ng mga Pinoy, kaya nga nararapat lang tayong tawaging, Sikat ang Pinoy!!!
Recent Comments