Sikat ang Pinoy : Po at Opo

Wednesday Jan 20, 2010

Dala na ng ating kultura at mula pa sa ating mga ninuno, likas na talagang magalang ang mga Pilipino noon pa man. Eto ang isa sa mga katangiang masasabi nating naiiba tayo sa ibang lahi sa buong mundo at masasabing sikat tayo. Ang katangiang eto ay ang pagiging magalang natin sa mga nakakatanda sa atin. Paano ba maging magalang?

Tayong mga Pilipino, mula pagkabata pa man ay sinasabihan na tayo ng ating mga magulang na maging magalang sa mga nakakatanda sa pamamagitan ng pagsabi ng “PO” at “OPO” at pagmamano sa kamay ng mga nakakatanda sa atin. Eto ang mga katagang maririnig natin sa mga bata na kanilang sinasagot kapag tinatanong at pinagsasabihan sila ng mga nakakatanda. Isa ito sa paraan kung paano maging magalang sa ating magulang at mga nakakatanda sa atin.

Kung iyong pagbabatayan at susuriin, tayong mga Pilipino lang ang may kagawian niyan. Wala man sa ibang bansa ang ganyang kultura, pero may kanya kanya rin silang paraan kung paano sila maging magalang. Ang paggalang ay likas na di nakukuha ng isang tao kundi nakukuha din niya sa pamamagitan ng paggalang din sa iba. Paano mo naman ba maigagalang ang isang tao kung nakikita mo na ang kanyang mga ginagawa ay pawang di tama at mali.

Paano ba yan mga bata at madalang tao, dapat maging magalang tayo sa mga taong nakakatanda sa atin. Dahil sa pagiging magalang natin, nagiging sikat ang pinoy, saan man at kalian man!