![]()
Sikat ang Pinoy sa Puto’t Dinuguan – Di talaga nating maitatanggi na likas sa ating mga Pinoy ang may kahusayan at kagalingan sa pagluto na kahit anong putahi’t ulam. Isa rin ito sa mga dahilan kung kaya’t Sikat ang Pinoy. Ang Dinuguan ay isa sa mga putahing makikita natin sa mga Pinoy na niluluto kapag Fiesta o di kaya kahit sa ordinaryong araw lang para gawin nilang ulam. Masarap i pares ang dinuguan sa puto kung kaya’t karamihan sa mga pinoy ay makikita mo na kapag kumain sila ng dinuguan ay paparesan nila ng puto.
Masarap talagang kainin ang puto’t dinuguan. Kaya nga maraming nagluluto nito sa mga tahanan, sa mga karenderya at maging sa mga fiesta.
Ang Dinuguan ay tradition na ulam at pagkain ng pinoy at ito ay sinasangkap ng mga laman at bituka ng baboy, dugo ng baboy, tainga at iba pa. Sa iba, nadidirian sila sa ganitong luto dahil raw ang sangkap ay intestine o mga bituka ng baboy, pero depende naman sa nagluluto kung paano niya muna hugasan ang mga sangkap bago iluto.
Tara na at tikman niyo kung gaano kasarap ang mga lutong Pinoy katulad ng Puto’t dinuguan.
Recent Comments