Sikat ang Pinoy – Gloc 9

Monday Feb 8, 2010

Sikat ang Pinoy - Gloc 9

Sikat ang Pinoy – Pagdating talaga sa larangan ng Musika di natin makakaila na magaling ang Pinoy. Katulad na lamang ni Sarah Geronimo, Charlie Brown, Charice Pempengco, Lea Salonga at marami pang iba. Pero higit sa kanila ay may isa akong idol pagdating sa larangan ng RAP, bukod kay Francis M at Andrew E. Walang iba kung di si Gloc 9.

Si Gloc 9 ay isang sikat na pinoy dahil sa kanyang anking galing at husay pagdating sa Rap. Nakita ang kahusayan ni Gloc 9 dahil sa kanyang kabilisan sa pagsasalita. Aristotle “Aries” Pollisco ang tunay na pangalan ni Gloc 9 at siya ay isinilang noong Oktubre 18, 1977.

Nanalo narin si Gloc 9 bilang Best Rap Artist sa Philippine Hip-Hop Music Awards sa 3 magkakasunod na taon mula 2005 – 2007 at nakilala rin sya  at pinarangalan ng MYX at MTV Music Awards. “A blacksmith of words and letters, and a truee Filipino poet.” ani pa ni Francis Magalona, isa ring sikat na Filipino rapper sa ating bansa.

Tunghayan natin ang isa sa mga musika at galing na inaambag ni Gloc 9 sa larangan ng musika.

Dahil kay Gloc 9, masasabi nating sikat ang pinoy, kahit sa larangan ng musika.