Labanang Pacquiao at Clottey Susunod Na

Thursday Jan 21, 2010

Sino ba ang susunod na kakalabanin ni Pacquiao, isa sa dahilan kung bakit dapat bang tawagin sikat ang pinoy. Talagang di na nga matutuloy ang laban ni Pacquiao laban kay Mayweather. Isa pa naman sana sa kapanabik nabik na aabangan ng mga tao sa buong mundo ang labanang pacquiao at mayweather. Sayang tlaga at di nating matutunghayan ang kanilang labanan at ang mga suntok na maaring bitawan ni Pacquiao kay Mayweather. Gayon paman marami ng haka haka na magkakaroon si Pacquiao ng magiging bagong kalaban, walang iba kundi si Clottey.

Sana naman di na matulad kay Mayweather na di matutuloy ang laban. Alam naman nating lahat na inaabangan nga maraming Pilipino at iba pang taga hanga kung sino ang magiging kalaban ni Pacquiao dahil sabik na itong makita ang kanilang Idolong sumasabak sa ibabaw ng ring at binibitawan sa kalaban ang malalakas nitong suntok.

Abangan pa ang mga susunod na pangyayari kung matutuloy ba o hindi ang labanang Pacquiao vs Clottey dito lang sa satsatan.com.