Fil-Am na si Eric Celino Spoelstra, pinakauna at pinakabatang coach sa NBA

Tuesday Feb 2, 2010

Sikat ang Pinoy-Batang NBA CoachSi Eric Celino Spoelstra, ay ang kauna-unahang naging Head Coach na Filipino-American sa NBA. Ang 2006 na kampeon ng NBA na Miami Heat ay pinili ang 37-gulang na Fil-Am para palitan ang paalis nang si coach Pat Riley. Si Spoelstra na nag ugat ang pamilya sa San Pablo, Laguna ay ang pinakaunang tagaturo na Pinoy at tinuturing na pinakabata sa liga.

Ayon pa kay Pat Riley, ang batang coach na si Eric ay isa sa mga pinaka matalinong coach sa mahabang panahon na nagdala ng korona sa Heat noong 2006.

Si Spoelstra, na anak ng isang Irish-Dutch Jon Spoelstra, isang matagal ng tagapamahala ng NBA na sangkot sa Portland Trail Blazers, Denver Nuggets at New Jersey Nets, ay ipinagmamalaki ang kanyang pinang-galingang lahi kahit na alam naman nating tumanggi na siyang maglaro sa PBA.

Dito natin mapapatunayan na Sikat ang Pinoy hindi lang sa Pilipinas kungdi sa iba ring bansa at sa mga mabibigat na obligasyon katulad na lamang ng trabahong eto ni Eric Celino Spoelstra.