Pinoy Humataw Sa Poland Got Talent

Friday Dec 11, 2009

Kumakailan lang isa na namang Pinoy ang nagpakita ng galing at talento sa ibang bansa.  Ang ating kababayang si Alexander “Alex” Martinez ay nagpamalas ng kanyang talento sa bansang Poland.  Si Alex ay nanalo ng ikatlong pwesto (3rd place) sa kakatapos lang ng “Mam Talent”.  Ang “Mam Talent” ay bersyon ng Poland sa sikat na talent-reality search na “America’s Got Talent” at “Britain’s Got Talent”.

Nagpakitang gilas si Alex sa larangan ng pag-awit.  Humanga ang mga Polish sa galing ng ating kababayan ng bumirit ito ng doble carang falsetto-soprano na bersyon ng awitin ni Andrea Bocelli na Time To Say Goodbye sa semi-final ng patimpalak.  Lalong humanga ang mga hurado ng bumirit ng nakaka-indak na rak ‘en rol sa kanyang bersyon ng awiting “The Final Countdown” ang ating kababayan.

Si Alexander ay nanalo ng limang libong (5,000) Euro at tiket sa eroplano pauwi sa Pilipinas.  Ang tagumpay ni Alexander Martinez ay isa namang patunay na Sikat ang Pinoy!