Paunang Satsat
Posted by satsatan | Under Satsatan Monday Dec 7, 2009Masayang satsatan sa inyong lahat at Maligayang pagdating sa satsatan.com!
Satsat dito, satsat dun. Satsatan sa kanto, satsatan sa opisina, satsatan sa eskwela, sa radyo, sa telebisyon, sa pahayagan, sa Internet at kung saan-saan pa. Ang pakikipag-satsatan ay ang wan op da peyborit habis ika ng mga Noypi. Kahit saang sulok man ng daigdig mapunta, kahit anong estado ang marating sa buhay, hindi mawala sa Pinoy ang pagiging satsatero at satsatera.
Ano nga ba ang satsatan? Sa mga coño nating mga kapatid na hindi sanay managalog, at sa mga kalahating Pinoy, mga ¼ Pinoy, 1/8 Pinoy o kahit sa 1/100 Pinoy na hindi nakaka-intindi ng salitang satsatan. Ang satsatan po ay hindi naka-upong satanas. Ang satsatan ay pandiwang anyo (as in verb form… masakit na sa ilong) ng salitang Filipino na satsat. Satsat na ang ibig sabihin ay pag-uusap, palitan ng kuro-kuro o opinyon, sa madaling salita tsismis.
Ang tsismis ay parte na ng buhay ng bawat Noypi, mula sa tsimis o satsat nabubuo ang mga balita na kung minsan ay nagtutulak ng mga mahalagang pangyayari sa ating lipunan. Merong mga satsat ng nagdadala ng gulo at may nga satsat na nagdadala ng pagbabago. Ang mga satsat mula sa umpukan sa kanto, mga tsismis sa barberya, ang mga kwentong nabubuo habang nagto-tong-its ay ang mga kwentong nagbibigay ng kulay at saya sa buhay natin. Kahit ilang baha, bagyo, lindol, at mga pasaway na pangulo ang dumaan nakukuha paring nating ngumisi at tumawa habang naki-satsat. Ika nga habang malaya tayong makipag-satsatan buhay ang demokrasya.
Ang satsatan.com ay website (wala yatang tagalong ang website) naglalayong magpalaganap ng balita sa sambayanang Pilipino saan man sa mundo (parang TV Patrol World)! Kung nais nyong sumali sa satsatan o kaya’y gustong mag-mungkahi ng topiko sa ating satsatan kayo malugod na ina-anyayahan. Pwede mag-iwan ng komento sa ibaba ko kayay mag e-mail (wala din yatang tagalong ang email) sa admin @ satsatan . com.
Dito sa satsatan.com, Sikat ang Pinoy!
Nota [as in note, ‘wag malisyoso/a]: Ang satsatan.com ay opisyal na lahok ng mga satsaterong si Kleansy at Clawid at ng satsaterang si Byter sa Palarong SEO.
Maikling Nota [as in short note]: Maraming salamat sa Google.com/translate.
No related posts.
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.
Hi, this is a comment.
To delete a comment, just log in and view the post's comments. There you will have the option to edit or delete them.
Paunang Satsat…
What is Satsatan, a Filipino word for “chismis” usually known as “Gossips”. Want to know why Filipinos are popular because of Gossips?…