Sikat ang Pinoy : Po at Opo

Wednesday Jan 20, 2010

Dala na ng ating kultura at mula pa sa ating mga ninuno, likas na talagang magalang ang mga Pilipino noon pa man. Eto ang isa sa mga katangiang masasabi nating naiiba tayo sa ibang lahi sa buong mundo at masasabing sikat tayo. Ang katangiang eto ay ang pagiging magalang natin sa mga nakakatanda sa atin. Paano ba maging magalang?

Tayong mga Pilipino, mula pagkabata pa man ay sinasabihan na tayo ng ating mga magulang na maging magalang sa mga nakakatanda sa pamamagitan ng pagsabi ng “PO” at “OPO” at pagmamano sa kamay ng mga nakakatanda sa atin. Eto ang mga katagang maririnig natin sa mga bata na kanilang sinasagot kapag tinatanong at pinagsasabihan sila ng mga nakakatanda. Isa ito sa paraan kung paano maging magalang sa ating magulang at mga nakakatanda sa atin.

Kung iyong pagbabatayan at susuriin, tayong mga Pilipino lang ang may kagawian niyan. Wala man sa ibang bansa ang ganyang kultura, pero may kanya kanya rin silang paraan kung paano sila maging magalang. Ang paggalang ay likas na di nakukuha ng isang tao kundi nakukuha din niya sa pamamagitan ng paggalang din sa iba. Paano mo naman ba maigagalang ang isang tao kung nakikita mo na ang kanyang mga ginagawa ay pawang di tama at mali.

Paano ba yan mga bata at madalang tao, dapat maging magalang tayo sa mga taong nakakatanda sa atin. Dahil sa pagiging magalang natin, nagiging sikat ang pinoy, saan man at kalian man!


Sikat ang Pinoy Ngayon

Tuesday Jan 12, 2010

Itong lathalang ito ay pawang testing lamang kung talaga ngang mabilis mag update ang google ngayon at kung talagang hahatakin ba pataas ang rank namin :) Sikat ang Pinoy


Sikat ang Pinoy : Bea’s As Cory Aquino sa MMK

Monday Jan 11, 2010

Sikat ang Pinoy kahit saan mang larangan mapa musika, sports at pag-arte. Tunghayan natin ang unang silip para sa first taping date ng ating dating presidenteng si Cory Aquino na lalabas sa Maalaala Mo Kaya. Sa January  25 ay magdiriwang sana si Ginang Cory ng kanyan 77th birthday kaya nga handog ng MMK ang 2 part feature ang buhay ni Ginang Cory Aquino.

Si Bea Alonzo ang gaganap bilang si Cory Aquino at isang batikang aktor na si Piolo Pascual bilang ang ating National Hero Benigno “Ninoy” Aquino. Tunghatayan natin ang iba silip para sa pagganap ni Bea Alonzo bilang si Ginang Cory Aquino.

Bea Alonzo - Cory Aquino

Abangan sa ABS-CBN sa January 23 ang paganap ni Bea Alonzo Bilang si Cory Aquino.


Sikat ang Pinoy: Sino kaya eto?

Monday Jan 11, 2010

Bulag na Sulok (Blind Corner) Sikat ang Pinoy- Sino kaya etong sikat na aktor at aktress ang napapabalitang magkasamang nagshoshopping na romantic sa SNR Grocery sa Fort. Gamit lamang ang isang shopping cart, magkasabay ang lalaki at babaeng superstar na tinutulak ang shopping cart kung saan ang gurl na superstar ay nasa harap ng lalaking superstar at sabay na niyayakap ang babae..? At habang naglalakad sila, nahuli pang nag smock??? Hmmm.. sino kaya etong mga sikat na artista??

Caught romantic shopping at SNR grocery at the Fort a male and female superstars. Using one shopping cart, they jointly pushed it with girl superstar in front as boy superstar embraced her from her back. While making their round of the aisles, they smooched!


Sikat ang Pinoy Lyrics

Tuesday Jan 5, 2010

Sikat ang Pinoy Lyrics

Lagi nang napapansin
Pinoy ay may ibang dating
Kahit na anong gawin
Ay kayang-kaya natin

Iba ?
Hanggat kaya’y ibibigay
Kitang-kita ang galing
Lahat ay kaya ngang gawin

CHORUS
Sikat na sikat ang pinoy
(Sikat ang pinoy !) Kahit saan mapunta
Kitang-kita mo naman
ang kagalingan (kagalingan mo)
Iba ang galing ng pinoy
(Galing ng pinoy !)
Malayong mararating
Ipagmalaki mo
Na kaya natin

Sikat ang pinoy
Kahit saan mapunta
Sasabihin ko
Pinoy Ako (Pinoy Ako)
Pinoy Tayo ! Kaya natin ‘to !
Sikat ang Pinoy!
(Sikat ang Pinoy ! ) Sikat ang Pinoy !

Pinoy ‘y ating maaasahan
Kailan ma’y di ka iiwan
Handang tumulong sa iyo
Ano man ang pagdaanan mo

Lumalaban sa hamon ng buhay
Hanggang sa ating tagumpay
Mahirap man pagdaanan
Kayang kaya natin ‘yan’
REPEAT CHORUS except last line

REFRAIN
Sumigaw at sabihin mong “Pinoy Ako”
Ang galing mong angkin
Ipakita sa mundo (Ipakita sa mundo)

REPEAT CHORUS except last line 2x

Sikat ang Pinoy! (Sikat ang pinoy) (5x)


CNN Hero, may nililigawan na!??

Tuesday Jan 5, 2010

Efren PeñafloridaSi Efren Peñaflorida ay isa sa kilalang sikat na Pinoy dahil sa naging CNN Hero of the Year siya. Iginawad sa kanya ang karangalang CNN Hero dahil sa walang pagdadalawang isip na maging isang mabuting ihimplo sa mga nakakaraming mga Pinoy para makatulong sa kapwa Pilipino.

Sa Pagpasok ng bagong taon, napabalitang niligawan ng ating CNN Hero na si Efren Peñaflorida ang isang sikat at batikang aktres na si Angel Locsin. Noong nakaraan live guesting ni Angel sa The BUZZ, isang showbiz talk show ng ABS-CBN na panag-usapan ang mga lalaking nagkaroon ng kaugnayan sa kanya noong nakaraang taon sa ngayon. Naging mainit din ang talakayan nang unang pinag-usapan ang ex-boyfriend nya na si Luis Manzano.

Ready na ba si Angel to be “Fall in Love Again?”

Angel LocsinAng sagot ni Angel dito ay hindi pa sa ngayon. Sabi pa nga niya “Masarap ma-in love. Pero sa tamang tao at tamang panahon. Pag alam mong ibinigay ni God sa iyo.” May sagot naman si Angel sa pangliligaw ni Efren Peñaflorida sa kanya. Nakikita kasi ni Angel na dahil sa nagawa ni Efren Peñaflorida (isa sa dahilan kung bakit naging sikat ang pinoy) siya ang magiging bagong pag-asa ng ating bansa. Ayaw niyang maapektuhan ang HOPE na ating bansa kung magkakaroon sila ng relasyon dahil sa napaka gulong mundo ng showbiz. Sa ngayon gusto muna ni Angel na friends muna sila ng ating CNN Hero of the Year.


Manigong Bagong Taon

Monday Jan 4, 2010

Pasensya na po sa lahat ng mga Pinoy sa Pilipinas kung nahuli man ako sa pagbati sa inyong lahat! Maligaya at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!

Bagong simula na naman, bagong taon, bagong buhay at marahil bago lahat. Nakagawian na nating mga Pinoy na kapag sasapit ang bagong taon, iniiwan natin ang mga kasanayan o pag-uugaling di maganda para sa atin at bumubuo tayo ng panibago at bagong pag-asa sa mga taong nadisgrasya, nasalanta ng bagyo o nadapa sa mga pagkakamali etong bagong taon na eto at may makikilala na namang Sikat na Pinoy saan mang larangan. Siguro naman kahit hindi bagong taon ay pwede nating baguhin ang ating sarili kapag may nakita tayong di maganda! Kung sa tingin natin na ang pag-uugali natin ay  nakakasama na at di na nagugustuhan ng ating kasama, marahil yun na ang hudyat  na dapat magbagong buhay na tayo.  Wag nang hintayin pa ang bagong taon para magbagong buhay. Simulan na kung kinakailangan.

Ikaw Pinoy, anong gusto mong baguhin sayo ngayong Bagong Taon?


Anibersaryo ni Jose Rizal

Wednesday Dec 30, 2009

Jose Rizal

Disyembre a-trenta ang petsa kung saan ang ini-idolo ng sambayanang Filipino ay binaril sa may  Luneta. Si JOSE RIZAL, ang pambansang bayani ng Pilipinas at pinagmamalaking lahi ng mga Malay ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa bayan ng Calamba Laguna. Siya ay ikapitong anak sa labing isang magkakapatid (2 lalaki at 9 babae). Ang kanyang ama na taga Binan Laguna ay si Francisco Mercado Rizal, isang masipag na magsasaka kung saan tinagurian ni Rizal na “modelo ng mga ama” habang ang kanyang ina na si Teodora Alonzo y Quintos na ipinanganak sa Meisic, Sta. Cruz, Manila ay isang mapagmahal at maingat na ina.

Sa edad na tatlo, nalaman nya ang alpabeto sa tulong ng kanyang ina; at sa edad na lima, habang natututo siyang magbasa at magsulat, ipinamalas na nya na siya ay may kakayahang maging isang mangguguhit. Sa katunayan, naging paraan ito para mamangha ang kanyang pamilya at kaanak.

Mga alaala lamang ito ng isang pambansang bayani na kung saan noong Disyembre 30, 1896 ay binaril sa may bagumbayan (Luneta ngayon). Ang mga alaalang ito kung saan sikat ang pinoy ay hindi dapat malimutan at isantabi lalo na ng mga kabataan na pinangalanan nyang pag-asa ng bayan.

Muli po ay ating gunitain ang kanyang kadakilaan sa kanyang ika-113 na anibersaryo ng kanyang pagkamatay. Mabuhay ka Gat Jose Rizal. Mabuhay ang Pinoy!


Sikat ang Pinoy – Barong Tagalog

Monday Dec 28, 2009
Barong Tagalog - Sikat ang Pinoy

Barong Tagalog

Isa sa mga dahilan kung bakit naging sikat ang pinoy ay dahil din sa kulturang nakagisnan natin mula pa sa ating mga ninuno. Isa sa mga dahilan dito ang pananamit ng mga Pinoy – ang Barong Tagalog.

Ang Barong Tagalog ay isa sa mga sikat na pormal na damit na sinusuot ng mga pinoy.  Isa ito sa mga ginagamit na damit tuwing may kasalan, binyagan at kung ano ano pang pormal na okasyon.

Saan nagsimula ang paggamit ng Barong?

Mula pa man dumating dito ang mga Espanyol, ginagamit na ng ating mga ninuno sa bandang Timog na parte ng Luzon ang damit na maari nating maihalin tulad sa Barong Tagalog.  May haba itong lagpas ng kaunti sa ating baywang, ito ay walang kulay at wala ring butones. Ang Barong Tagalog ay hango din sa salitang “Baro” na ang ibig sabihin ay “Damit” , “Barong” na ibig sabihin ay “Damit ng” at ang “Barong Tagalog” na ang ibig sabihin ay “Damit ng mga Tagalog”.

Ang Barong Tagalog ay ang Pambansang Damit ng mga Filipino, isa sa mga dahilan kung bakit nabansagang Sikat ang Pinoy.


Suntukang Pacquiao-Mayweather tuloy sa Marso

Monday Dec 14, 2009

pacquiao vs mayweatherAng suntukang Manny Pacquiao kontra kay Floyd Mayweather Jr. ay tuloy na tuloy na! Eto ay isang balitang inantabayanan ng lahat ng mga Filipino lalo na iyong mga mahilig sa boksing.

Ang dalawang boksingerong eto ay inaasahang magtagpo sa Marso 13, 2010. Isa na naman etong pinakamalaking pangyayari sa buhay ni Manny Pacquiao at magsisilbing tulay para ipakita nya sa buong mundo na kaya nyang talunin o di kaya ay patumbahin ang pala satsat na si Floyd Mayweather Jr.

Kung pagbabsehan lang ang mga nakaraang laban ng dalawa, nakakalamang ang iniidolo at ipinagmamalaki ng Pilipinas na si Manny Pacquiao. Marami na siyang natanggap na parangal dahil sa kanyang kadakilaan at tapang na harapin ang kanyang mga kalaban sa boksing.

Pero sa aking napansin sa kanyang magiging kalaban sa susunod na taon, eto ay gagawa na naman ng eksena na lilikha ng ingay. Alam naman nating lahat na si Floyd Mayweather ay hindi lang isang boksingero kungdi isa ring mang aawit na ngawa ng ngawa. Tinuturing nya pa rin na siya ang numero uno sa larangan ng boksing dahil wala siyang talo. Kaya ang lahat ay naka abang sa parating na laban na eto.

Manatili at magbasa lagi dito sa satsatan.com para sa mga sariwa at mga bagong balita kung saan sikat ang pinoy.