CNN Hero, may nililigawan na!??
Posted by satsatan | Under Artista, Tsismis Tuesday Jan 5, 2010
Si Efren Peñaflorida ay isa sa kilalang sikat na Pinoy dahil sa naging CNN Hero of the Year siya. Iginawad sa kanya ang karangalang CNN Hero dahil sa walang pagdadalawang isip na maging isang mabuting ihimplo sa mga nakakaraming mga Pinoy para makatulong sa kapwa Pilipino.
Sa Pagpasok ng bagong taon, napabalitang niligawan ng ating CNN Hero na si Efren Peñaflorida ang isang sikat at batikang aktres na si Angel Locsin. Noong nakaraan live guesting ni Angel sa The BUZZ, isang showbiz talk show ng ABS-CBN na panag-usapan ang mga lalaking nagkaroon ng kaugnayan sa kanya noong nakaraang taon sa ngayon. Naging mainit din ang talakayan nang unang pinag-usapan ang ex-boyfriend nya na si Luis Manzano.
Ready na ba si Angel to be “Fall in Love Again?”
Ang sagot ni Angel dito ay hindi pa sa ngayon. Sabi pa nga niya “Masarap ma-in love. Pero sa tamang tao at tamang panahon. Pag alam mong ibinigay ni God sa iyo.” May sagot naman si Angel sa pangliligaw ni Efren Peñaflorida sa kanya. Nakikita kasi ni Angel na dahil sa nagawa ni Efren Peñaflorida (isa sa dahilan kung bakit naging sikat ang pinoy) siya ang magiging bagong pag-asa ng ating bansa. Ayaw niyang maapektuhan ang HOPE na ating bansa kung magkakaroon sila ng relasyon dahil sa napaka gulong mundo ng showbiz. Sa ngayon gusto muna ni Angel na friends muna sila ng ating CNN Hero of the Year.
Related posts:
- Sikat ang Pinoy: Sino kaya eto? Bulag na Sulok (Blind Corner) Sikat ang Pinoy- Sino kaya...
Related posts brought to you by Yet Another Related Posts Plugin.
hindi ako makapaniwala totoo ba to!! si efren my nililigawan? wow, talagang sikat si efren sa cnn at dito sa atin pero bakit nya niligawan c angel. shock ako doon!!!
rocreh web design