Posted by satsatan | Under Uncategorized
Monday Feb 1, 2010
Sikat ang Pinoy kay Efren “bata” Reyes na nanalo ng isa na namang pangunahing kompetisyon ng bilyaran sa Estados Unidos.
Ang maalamat na manlalarong si Bata ay tinalo si Brandon Shuff 15-8 sa 10-Ball Challenge sa Horseshoe Casino and Hotel sa Indiana, USA.
Ang 55-taon gulang na Hall of Famer ay nasa ganap na kontrol ng tunggalian, ang pagkuha ng iskor na 6 kontra 0 na naging daan para ma maparalisa ang kalaban at masungkit ang panalong $6,500 (humigit-kumulang P310, 000) karagdagang yaman.
ang tawag sa kanya bilang “The Magician,” si Reyes ay ipinapakita ang isang nakaka manghang mga tira sa lahat ng laban at tinalo ang lahat ng 16 manlalaro sa eliminasyon hanggang sa final na walang katalo-talo.
Naging kalaban din ni Efren Reyes ang dakilang si Johny Archer nd Estados Unidos at nagtaob ng 15-9. Dito natin mapapatunayan na Sikat ang Pinoy sa kahit anumang larangan. Mabuhay ka Pinoy!
Posted by satsatan | Under Uncategorized
Wednesday Jan 27, 2010
Sikat ang Pinoy sa Isla ng Boracay na isang tropikal na pulo na tinatayang matatagpuan 315 km (200 milya) sa timog ng Maynila at 2 km sa hilaga-kanlurang dulo ng pulo ng Panay sa Silangang Visayas sa Pilipinas. Isa lamang ito sa mga sikat na destinasyon ng mga turistang local at banyaga sa bansa. Binubuo ang pulo ng mga barangay ng Manoc-Manoc, Balabag, at Yapak, at nasa ilalim ng pamamahala ng Philippine Tourism Authority (Autoridad ng Turismo sa Pilipinas) na may ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Aklan.
Kahit saan ka man mapuntang lugar ay halos kilala ang pulo ng Boracay bilang isa sa mga pinaka magandang lugar na pwedend puntahan lalo na sa mga buwan ng Nobtember hanging Enero at Marso hanggang Mayo. Dito matatagpuan ang malaparaisong ganda ng dagat at napaka pinong buhangin.
Halos lahat ng mga local na turista ay naka sentro ang planong pagbabakasyon ditto lalo na sa buwan ng tag araw kung saan masisilayan ang ganda ng dagat nito. Halos mamangha ka sa iyong mararanasan kung ikaw ay mapapadpad dito.
Posted by satsatan | Under Uncategorized
Monday Jan 25, 2010
Kung meron tayong sariling atin na pinagmamalaki tungkol sa mga pinakamalaki sa Pilipinas, meron din ditong pinakamaliit. Eto ang Pandaca Pygmaea. Ito ay isang uri ng isda na may habang 9.6 milimetro, halos kasinlaki ito ng isang butil ng bigas.
Ang Pandaka pygmaea o “dwarf pygmy goby” sa salitang inlges ay isang uri ng isdang tropikal na nabubuhay sa tubig-tabang. Isa lamang ito sa dating itinuturing na pinakamaliit na isda sa mundo, kung susuriin ang masa, at isa rin sa mga pinakamaikling isdang pantubig-tabang. Eto ay natural na tinatawag bilang bia at tobias sa Pilipinas. Ang P. pygmaea ay binubuo ng mga tuldok, na bumubuo ng 4 na linyang-pakrus sa ibabaw ng mga gilid ng katawan nito. Makulay at pigmentado ang kulay na nasa mga paanan ng mga palikpik ng isdang ito maliban na lamang sa mga pangharapan. Kung bibilangin ay mayroon itong mga 22 hanggang 25 mga kaliskis na nasa seryeng pang-longgitudinal.
Itinuturing na nawawala na o nawala na sa Pilipinas ang mga uring ito dahil sa pagkaroon ng polusyon sa mga katutubong katubigan at mga proyektong reklamasyon ng mga lupa. Datai rati ay sagana ang ating bayan sa mga likas na yaman at makikita ang kasaganaann ng ating kalikasan. Dahil na rin sa kapabayaan natin at walang humpas na sibilisasyon ay iunti unti ng namamatay ang mga kinagisnan at nasusulat sa mga aklat na atin lamang mababasa sa ngayon
Sana naman ay gumawa tayo ng paraan para magkaroon ng lunas ang lumalalang problema sa polusyon. Konti na lang ang mga ilog na malilinis at sariwang hangin na makikita at malalanghap dahil na rin sa mga polusyung dulot ng pag unlad. Pero ang pag unlad ng isang bayan ay hindi dapat mangahulugang kasiraan sa ating likas na yaman. Sana ay gawan ng paraan ng ating gobyerno na makita nating muli ang mga isdang eto sa ating likas na tubig-tabang. Sana naman ay magkaroon tayo lagi ng imahe na Sikat ang Pinoy dahil sa magagandang balita hindi ng kung ano pa man.
Posted by satsatan | Under Uncategorized
Wednesday Jan 20, 2010
Dala na ng ating kultura at mula pa sa ating mga ninuno, likas na talagang magalang ang mga Pilipino noon pa man. Eto ang isa sa mga katangiang masasabi nating naiiba tayo sa ibang lahi sa buong mundo at masasabing sikat tayo. Ang katangiang eto ay ang pagiging magalang natin sa mga nakakatanda sa atin. Paano ba maging magalang?
Tayong mga Pilipino, mula pagkabata pa man ay sinasabihan na tayo ng ating mga magulang na maging magalang sa mga nakakatanda sa pamamagitan ng pagsabi ng “PO” at “OPO” at pagmamano sa kamay ng mga nakakatanda sa atin. Eto ang mga katagang maririnig natin sa mga bata na kanilang sinasagot kapag tinatanong at pinagsasabihan sila ng mga nakakatanda. Isa ito sa paraan kung paano maging magalang sa ating magulang at mga nakakatanda sa atin.
Kung iyong pagbabatayan at susuriin, tayong mga Pilipino lang ang may kagawian niyan. Wala man sa ibang bansa ang ganyang kultura, pero may kanya kanya rin silang paraan kung paano sila maging magalang. Ang paggalang ay likas na di nakukuha ng isang tao kundi nakukuha din niya sa pamamagitan ng paggalang din sa iba. Paano mo naman ba maigagalang ang isang tao kung nakikita mo na ang kanyang mga ginagawa ay pawang di tama at mali.
Paano ba yan mga bata at madalang tao, dapat maging magalang tayo sa mga taong nakakatanda sa atin. Dahil sa pagiging magalang natin, nagiging sikat ang pinoy, saan man at kalian man!
Posted by satsatan | Under Uncategorized
Tuesday Jan 12, 2010
Itong lathalang ito ay pawang testing lamang kung talaga ngang mabilis mag update ang google ngayon at kung talagang hahatakin ba pataas ang rank namin
Sikat ang Pinoy
Posted by satsatan | Under Uncategorized
Monday Jan 4, 2010
Pasensya na po sa lahat ng mga Pinoy sa Pilipinas kung nahuli man ako sa pagbati sa inyong lahat! Maligaya at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!
Bagong simula na naman, bagong taon, bagong buhay at marahil bago lahat. Nakagawian na nating mga Pinoy na kapag sasapit ang bagong taon, iniiwan natin ang mga kasanayan o pag-uugaling di maganda para sa atin at bumubuo tayo ng panibago at bagong pag-asa sa mga taong nadisgrasya, nasalanta ng bagyo o nadapa sa mga pagkakamali etong bagong taon na eto at may makikilala na namang Sikat na Pinoy saan mang larangan. Siguro naman kahit hindi bagong taon ay pwede nating baguhin ang ating sarili kapag may nakita tayong di maganda! Kung sa tingin natin na ang pag-uugali natin ay nakakasama na at di na nagugustuhan ng ating kasama, marahil yun na ang hudyat na dapat magbagong buhay na tayo. Wag nang hintayin pa ang bagong taon para magbagong buhay. Simulan na kung kinakailangan.
Ikaw Pinoy, anong gusto mong baguhin sayo ngayong Bagong Taon?
Posted by satsatan | Under Uncategorized
Monday Dec 14, 2009
Ang suntukang Manny Pacquiao kontra kay Floyd Mayweather Jr. ay tuloy na tuloy na! Eto ay isang balitang inantabayanan ng lahat ng mga Filipino lalo na iyong mga mahilig sa boksing.
Ang dalawang boksingerong eto ay inaasahang magtagpo sa Marso 13, 2010. Isa na naman etong pinakamalaking pangyayari sa buhay ni Manny Pacquiao at magsisilbing tulay para ipakita nya sa buong mundo na kaya nyang talunin o di kaya ay patumbahin ang pala satsat na si Floyd Mayweather Jr.
Kung pagbabsehan lang ang mga nakaraang laban ng dalawa, nakakalamang ang iniidolo at ipinagmamalaki ng Pilipinas na si Manny Pacquiao. Marami na siyang natanggap na parangal dahil sa kanyang kadakilaan at tapang na harapin ang kanyang mga kalaban sa boksing.
Pero sa aking napansin sa kanyang magiging kalaban sa susunod na taon, eto ay gagawa na naman ng eksena na lilikha ng ingay. Alam naman nating lahat na si Floyd Mayweather ay hindi lang isang boksingero kungdi isa ring mang aawit na ngawa ng ngawa. Tinuturing nya pa rin na siya ang numero uno sa larangan ng boksing dahil wala siyang talo. Kaya ang lahat ay naka abang sa parating na laban na eto.
Manatili at magbasa lagi dito sa satsatan.com para sa mga sariwa at mga bagong balita kung saan sikat ang pinoy.
Recent Comments