Magaganap na sa Linggo dito sa Manila ang labanang Pacquiao vs Clottey. Ang magiting na si Pacquiao ay dinala ang buong team sa Dallas lulan ng isang 170-seater na eroplano. Eto ay para sabay sabay na silang makarating ng Dallas. Kung matatandaan na tuwing may laban si Pacman ay kuntento na etong pumunta sa laban lulan ng kotse kasabay ng iba pa.
Ang labanang eto ay siguradong magiging patok lalo na at napakalaki ng lugar kung saan idadaos ang nasabing laban. Masisilayan din dito ang napakalaking HD TV sa buong mundo na nakalagay sa gitna ng Stadium.
Watch Pacquiao vs Clottey Live Online Free

Pinoy Sudoku Grandmaster - Sarah Jane Cua
Sikat ang Pinoy – Di talaga natin maikakaila na talagang mahusay at magaling tayong mga Pinoy pagdating sa Sudoko. Ang Sudoku ay isang laro kung saan pinapagaan ang iyong logic na pag-iisip na ang layunin ay punuin ang mga kahuon ng numero (tunghayan sa wikipedia.org kung ano talaga ang sudoku).
Kamakailan lang ay natunghayan natin ang isang batang babae na magaling at mahusay sa sudoku. Isang 15 anyos na studyanteng babae na nanalo sa 4th Philippine Sudoku Challenge finals noong nakaraang Sabado. Tinalo nya ang 21 na mga kalahok at pinarangalan syang bilang “The Country’s Sudoku Grandmaster”. Siya ay walang iba kundi si Sarah Jane Cua, isang 3rd year high school student sa Pangasinan Universal Institute. Nakuha niya ang pinakamataas na puntos sa Grandmaster Division ayon sa Mathematics Trainers Guild (MTG).
Ayon kay Dr. Simon Chua, president of contest organizer ng MTG-Philippines, na mahigit kumulang 118 na mga kalahok ang sumali, studyante at mga professional sa tatlong kategorya: Sudoku Whiz Kid, Sudoku Wizard and Sudoku Grandmaster. Si Sarah Jane Cuah ay nakakuha ng 1,601 na puntos sa Grandmaster division sa limang round para mapanalunan niya ang titulo bilang Grandmaster at umuwi pa siya dala ang P 60,000 na cash prize at trophy.
Ang mga ibang kalahok na sumali na nanalo ay sina Matthew Chris Chan (Manila), first runner-up; Mariel Alexis Dee (Metro Manila), second runner-up; Jayhan Regner (Cagayan de Oro City), third runner-up; and Frederick Ong (Bacolod City), fourth runner-up.
Naging pambato rin ng Pilipinas si Sarah Jane Cua para sa Brand’s Asia Pacific Open Sudoku Contest na ginanap sa Singapore na nanalo ng grand prize noong taong 2008.
Ethan Riley Chan ng Zamboanga City, ay nanalo rin bilang kampyon sa kategoryang Sudoku Whiz Kid at nag-uwi ng cash prize na 20,000. ang iba pang nanalo ay sina: Magin Benedict Ferrer ng Iloilo City, bilang first runner-up; Lorenzo Jose Baquiran ng Iloilo City, bilang second runner-up; Kate Ann Adlaon of Lucena City, bilang third runner-up; at Candice Renee Beatric Solidarios of Calamba City, para sa fourth runner-up.
The 4th Philippine Sudoku Super Challenge ay inorganisa ng MTG sa tulong rin ng SM Supermalls, SHARP Calculators, SM Bowling, Phoenix Publishing, National Bookstore, DDB, Europa PR, at Ogilvy Philippines.
Di talaga matutumbasan ang galing ng mga Pinoy, kaya nga nararapat lang tayong tawaging, Sikat ang Pinoy!!!
Si Eric Celino Spoelstra, ay ang kauna-unahang naging Head Coach na Filipino-American sa NBA. Ang 2006 na kampeon ng NBA na Miami Heat ay pinili ang 37-gulang na Fil-Am para palitan ang paalis nang si coach Pat Riley. Si Spoelstra na nag ugat ang pamilya sa San Pablo, Laguna ay ang pinakaunang tagaturo na Pinoy at tinuturing na pinakabata sa liga.
Ayon pa kay Pat Riley, ang batang coach na si Eric ay isa sa mga pinaka matalinong coach sa mahabang panahon na nagdala ng korona sa Heat noong 2006.
Si Spoelstra, na anak ng isang Irish-Dutch Jon Spoelstra, isang matagal ng tagapamahala ng NBA na sangkot sa Portland Trail Blazers, Denver Nuggets at New Jersey Nets, ay ipinagmamalaki ang kanyang pinang-galingang lahi kahit na alam naman nating tumanggi na siyang maglaro sa PBA.
Dito natin mapapatunayan na Sikat ang Pinoy hindi lang sa Pilipinas kungdi sa iba ring bansa at sa mga mabibigat na obligasyon katulad na lamang ng trabahong eto ni Eric Celino Spoelstra.
Si Carlos Tamara ng Columbia na ang bagong kampyon ng IBF ligh-flyweight matapos na pataubin ang ating paboritong si Brayan Villoria na bantog din sa tawag na “The Hawaiian Punch”. Sa unng round hanggang sa ika 9 lamang si Brayn Villoria sa mga score cards. Subalit nakabawi si Tamara hindi na tinantanan ang ating kampyon hangang sa itigil na lang ng referee sa final round ang laro para hindi na mas lumala pa ang pinsalang idudulot ni Tamara kay Villoria.
Ang Collision Course na titulo ng nasabing palaro ay pinasimulan ng tatlong magkakasunod na panalo mula sa mga paunang pilipinong nakipagbakbakan sa loob ng ring.
Ang nagbabalik na si Jemrex Jaca ay pinabilib na naman ang mga tao sa isang kapana panabik na laro. Pinataub nya ang kanyang kalaban na taga Indonesia sa ikalimang round. Grabeng pahirap ang dinanas ng kalaban sa mga suntok ni Jaca at hindi na nakabangon ng paulanan ni Jemrex ng limang kumbinasyon kung saan tatlo ang brutal na tumama.
Isa lamang patunay eto na nasa kay Jaca pa rin ang pagiging kampyon. Kung matatandaan na lumaban din eto kay Juan Manuel Marquez at natalo. Pero sa kanyang pagbabalik at tagumpay na nakamit, magiging daan eto muli para sa isa na namang magandang laro sa hinaharap.
Sino ba ang susunod na kakalabanin ni Pacquiao, isa sa dahilan kung bakit dapat bang tawagin sikat ang pinoy. Talagang di na nga matutuloy ang laban ni Pacquiao laban kay Mayweather. Isa pa naman sana sa kapanabik nabik na aabangan ng mga tao sa buong mundo ang labanang pacquiao at mayweather. Sayang tlaga at di nating matutunghayan ang kanilang labanan at ang mga suntok na maaring bitawan ni Pacquiao kay Mayweather. Gayon paman marami ng haka haka na magkakaroon si Pacquiao ng magiging bagong kalaban, walang iba kundi si Clottey.
Sana naman di na matulad kay Mayweather na di matutuloy ang laban. Alam naman nating lahat na inaabangan nga maraming Pilipino at iba pang taga hanga kung sino ang magiging kalaban ni Pacquiao dahil sabik na itong makita ang kanilang Idolong sumasabak sa ibabaw ng ring at binibitawan sa kalaban ang malalakas nitong suntok.
Abangan pa ang mga susunod na pangyayari kung matutuloy ba o hindi ang labanang Pacquiao vs Clottey dito lang sa satsatan.com.
Recent Comments