Yugto ni Rico Blanco – Music Video

Friday Feb 5, 2010

Ang Yugto ay isa sa pinakasikat na kanta ng isang magaling na banda ng Rivermaya na pinamumunuan sikat na Pinoy na si Rico Blanco, maliban sa kantang pinasikat ni Rico Blanco katulad ng Bangon.

Sikat na sikat talaga si Rico Blanco dahil sa mga kanta niya. Panoorin nyo ang music video ng Yugto na kinanta ni Rico.

LYRICS :

Sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik
Tatawagin kang kaibigan na pinaka matalik
Pupulupot sa leeg mo’t sisipsip ng iyong dugo
Ipapako ka sa krus kapag ikaw ay natuyo

Sa gitna ng kaguluhan may kumukulong bulkan
Di ma pigil ang yabang at sakdal na kasakiman
Susubukang angkinin ang lahat ng hindi kanya
Kung kaya kang paikutin tiyak paiikutin ka

Ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob
Ang pag-ibig na hawak mo’y hindi malulubog

Lumiyab ka… lumiyab…

Sa gitna ng kadiliman may puwitreng nagmamasid
May magbabato ng putik ngunit walang mayayanig
Iiyak ang mga batang nahulugan ng candy
Laging mga problema sa iba’y sinisisi

Sa gitna ng kagubatan may ahas na hahalik
Itinuring mong kaibigan na pinaka matalik
Leeg mo’y pupuluputan dugo mo’y sisipsipin
Kapag wala ka nang pakinabang ang ending mo’y sa bangin

Ngunit hindi nila kayang baliin ang iyong loob
Ang pag-ibig na hawak mo’y hindi malulubog

Lumiyab ka…

Tuwing hating gabi maririnig mo ang huni
Ng mga kaluluwang naliligaw
Lahat ng pera sa mundo hindi kayang gawing ginto
Ang huwad na tao…

Ang mga tinig palakas ng palakas
Hanggang gumuho ang mga hadlang

Ang mga tinig palakas ng palakas
Hanggang gumuho ang mga hadlang

Saksi ang langit sa lahat ng naganap
Saksi ang langit sa ikalawang yugto…

Lumiyab ka…
Lumiyab ka…
(Sa ngalan ng katotohanan)
Lumiyab ka…
(Sa ngalan ng iyong dangal, ang puso mo’t iyong isipan)
Lumiyab ka…
Lumiyab ka…
(Ialay mo sa maykapal)
Lumiyab ka…


Fil-Am na si Eric Celino Spoelstra, pinakauna at pinakabatang coach sa NBA

Tuesday Feb 2, 2010

Sikat ang Pinoy-Batang NBA CoachSi Eric Celino Spoelstra, ay ang kauna-unahang naging Head Coach na Filipino-American sa NBA. Ang 2006 na kampeon ng NBA na Miami Heat ay pinili ang 37-gulang na Fil-Am para palitan ang paalis nang si coach Pat Riley. Si Spoelstra na nag ugat ang pamilya sa San Pablo, Laguna ay ang pinakaunang tagaturo na Pinoy at tinuturing na pinakabata sa liga.

Ayon pa kay Pat Riley, ang batang coach na si Eric ay isa sa mga pinaka matalinong coach sa mahabang panahon na nagdala ng korona sa Heat noong 2006.

Si Spoelstra, na anak ng isang Irish-Dutch Jon Spoelstra, isang matagal ng tagapamahala ng NBA na sangkot sa Portland Trail Blazers, Denver Nuggets at New Jersey Nets, ay ipinagmamalaki ang kanyang pinang-galingang lahi kahit na alam naman nating tumanggi na siyang maglaro sa PBA.

Dito natin mapapatunayan na Sikat ang Pinoy hindi lang sa Pilipinas kungdi sa iba ring bansa at sa mga mabibigat na obligasyon katulad na lamang ng trabahong eto ni Eric Celino Spoelstra.


Sikat ang Pinoy na Guro sa Maryland

Sunday Jan 31, 2010

Sikat ang Pinoy kay Lito Sayasa, isang pampublikong guro sa Maryland kung saan nakatanggap ng gantimpala bilang “Teacher of the Month” galing sa “Prince George’s County Public Schools”.

Ang pinoy na eto ay nagtuturo na ng halos labing siyam na taon at kasalukuyang nagtuturo sa probinsyang eto ng apat na taon.

Ang tangi nyang sagot kung bakit nya mahal at nagustuhan ang trabaho bilang guro ay inspirado talaga siya dahil sa kasabihang eto mula sa mga tsino “The most satisfying thing in life is to see a child confidently walk down the road on his own after you have shown him the way to go.” Ibig sabihin ay nakakataba talaga ng puso na makita ang isang batang natututo sa iyong pamamaraan ng pagtuturo.

Hindi lang inihahanda ang isang bata sa akademik kungdi nililinang din ang kakayahan nitong maging handa na lutasin ang mga problema sa totoong buhay.

Tunay na kahanga hanga ang taong eto dahil naging Sikat ang Pinoy sa larangan ng pagtuturo lalo na sa ibayong dagat kung saan pinatunayan nyang siya ay sadyang may potensyal.


Bangon Sikat ang Pinoy

Friday Jan 29, 2010

Ang bangon ay isang awiting nagbibigay pag asa sa mga nasalanta ng mga unos lalo na ng Bagyong Ondoy. Dito nagising ang bayanihan kung saan ang milyon milyong Pilipino ay naging isa. Walang kami, walang kayo kungdi ang hangarin ay ialay ang sarili sa iba para tumulong.

Marami ang na antig sa nilalaman ng kantang ito kung saan taglay talaga ng pinoy ang dugo ng tunay na Filipino kugn saan hindi sumusuko at sasabay na lang sa kanta na bangon Pilipinas kong mahal akay ang pananampalataya sa maykapal.

Ang kantang ito isa na namang tunay na gawa ng Sikat na Pinoy na si Rico Blanco. Panoorin nyo at pakinggan ang bidyu sa ibaba para maantig rin kayo sa niloloob ng awiting ito. Mabuhay ka Rico at isa kang tunay na Pilipino na gumagawa ng mga awiting para sa Pilipinas mong mahal at sa mga tao nito.


Sikat ang Pinoy – Palawan Underground River

Tuesday Jan 26, 2010

Ang Palawan ay isa sa mga madalas na pinupuntahan ng mga local at mga banyaganag turista para maranasan ang malaparaisong lugar na eto dito sa Pilipinas. Ang isa sa mga pinaka ka atraksyon dito ay ang Underground River o tinatawag na “Puerto Princesa Subterranean National Park” ay kinokonsiderang isang “UNESCO World Heritage Site” at ang pinakamahabang ilog lagusan na pwedeng daanan sa buong mundo.

Ang Pambansang Liwasang Subteranyong Ilog ng Puerto Princesa (Ingles: Puerto Princesa Subterranean River National Park) ay isang pambansang liwasan sa Puerto Princesa, sa Palawan. Mararating ito sa 50 kilometro hilaga ng lungsod at Matatagpuan ang pambansang liwasang ito sa Bulubundukin ng San Pablo (Saint Paul Mountain Range) na nasa hilagang baybayin ng pulo. Nahahangganan ito ng Look ng San Pablo (National geography Pilipinas) sa hilaga at ng Ilog ng Babuyan sa silangan. Ang pamahalaang panglungsod ng Puerto Princesa ang siyang namamahala dito simula pa noong taong 1992. Kilala rin ang Pambansang Liwasang Subteranyong Ilog ng Puerto Princesa bilang Ilog ng San Pablong Nasa Ilalim ng Lupa (St. Paul Underground River). Matatagpuan ang pasukan patungo sa ilog na nasa ilalim ng lupa sa isang bayan mula sa Sabang.

Ang Underground River sa Palawan ay kasali rin at nominado na mapabilang sa 7 nakakamanghang tanawin o lugar sa buong mundo. Sikat ang pinoy dito pag nagkataon dahil isa itong tagumpay na pwede nating ipagmalaki kahit sa anumang lahi. Sana naman po ay gawin natin an gating parte na bumoto at mapabilang ito sa 7. Makakaboto ka sa internet ng 7 lugar at isali na ang Palawan Underground River. Pag ito ay nagtagumpay, makakakuha pa tayo ng mas maraming banyagang turista at makaka-ambag sa ekonomiya n gating bansa. Marami ang makikinabang dito at siguradong dagsag trabaho ito sa ating mga kababayan.

Ang liwasan ay mayroong walo sa labing tatlong uri ng gubat na makikita sa tropikal na mga lugar ng Asya. Ito ay ang gubat na nasa ultramafic na lupa, gubat na nasa limestone na lupa, gubat na montane, pantubig-tabang na latiang gubat, mababang lupang evergreen na tropikal na rainforest, gubat na riverine, pambaybaying gubat, at gubat ng mangrove. Ang mga mananaliksik ay nakakita ng higit sa 800 uri ng halaman na galing sa 300 na sari at 100 na pamilya. Kasama dito ang 295 na puno na binbubuo ng mga dipterocarp na uri.

Para Sikat ang Pinoy ay ugaliin nating tangkilikin ang sariling atin. Tangkilikin at puntahan ang mga magagandang puntahang ito para maka ambag sa ekonomiya ng ating bansa. Sulong Pilipinas! Sikat ang Pinoy!


Anibersaryo ni Jose Rizal

Wednesday Dec 30, 2009

Jose Rizal

Disyembre a-trenta ang petsa kung saan ang ini-idolo ng sambayanang Filipino ay binaril sa may  Luneta. Si JOSE RIZAL, ang pambansang bayani ng Pilipinas at pinagmamalaking lahi ng mga Malay ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa bayan ng Calamba Laguna. Siya ay ikapitong anak sa labing isang magkakapatid (2 lalaki at 9 babae). Ang kanyang ama na taga Binan Laguna ay si Francisco Mercado Rizal, isang masipag na magsasaka kung saan tinagurian ni Rizal na “modelo ng mga ama” habang ang kanyang ina na si Teodora Alonzo y Quintos na ipinanganak sa Meisic, Sta. Cruz, Manila ay isang mapagmahal at maingat na ina.

Sa edad na tatlo, nalaman nya ang alpabeto sa tulong ng kanyang ina; at sa edad na lima, habang natututo siyang magbasa at magsulat, ipinamalas na nya na siya ay may kakayahang maging isang mangguguhit. Sa katunayan, naging paraan ito para mamangha ang kanyang pamilya at kaanak.

Mga alaala lamang ito ng isang pambansang bayani na kung saan noong Disyembre 30, 1896 ay binaril sa may bagumbayan (Luneta ngayon). Ang mga alaalang ito kung saan sikat ang pinoy ay hindi dapat malimutan at isantabi lalo na ng mga kabataan na pinangalanan nyang pag-asa ng bayan.

Muli po ay ating gunitain ang kanyang kadakilaan sa kanyang ika-113 na anibersaryo ng kanyang pagkamatay. Mabuhay ka Gat Jose Rizal. Mabuhay ang Pinoy!


Pinoy Humataw Sa Poland Got Talent

Friday Dec 11, 2009

Kumakailan lang isa na namang Pinoy ang nagpakita ng galing at talento sa ibang bansa.  Ang ating kababayang si Alexander “Alex” Martinez ay nagpamalas ng kanyang talento sa bansang Poland.  Si Alex ay nanalo ng ikatlong pwesto (3rd place) sa kakatapos lang ng “Mam Talent”.  Ang “Mam Talent” ay bersyon ng Poland sa sikat na talent-reality search na “America’s Got Talent” at “Britain’s Got Talent”.

Nagpakitang gilas si Alex sa larangan ng pag-awit.  Humanga ang mga Polish sa galing ng ating kababayan ng bumirit ito ng doble carang falsetto-soprano na bersyon ng awitin ni Andrea Bocelli na Time To Say Goodbye sa semi-final ng patimpalak.  Lalong humanga ang mga hurado ng bumirit ng nakaka-indak na rak ‘en rol sa kanyang bersyon ng awiting “The Final Countdown” ang ating kababayan.

Si Alexander ay nanalo ng limang libong (5,000) Euro at tiket sa eroplano pauwi sa Pilipinas.  Ang tagumpay ni Alexander Martinez ay isa namang patunay na Sikat ang Pinoy!