Fil-Am na si Eric Celino Spoelstra, pinakauna at pinakabatang coach sa NBA

Tuesday Feb 2, 2010

Sikat ang Pinoy-Batang NBA CoachSi Eric Celino Spoelstra, ay ang kauna-unahang naging Head Coach na Filipino-American sa NBA. Ang 2006 na kampeon ng NBA na Miami Heat ay pinili ang 37-gulang na Fil-Am para palitan ang paalis nang si coach Pat Riley. Si Spoelstra na nag ugat ang pamilya sa San Pablo, Laguna ay ang pinakaunang tagaturo na Pinoy at tinuturing na pinakabata sa liga.

Ayon pa kay Pat Riley, ang batang coach na si Eric ay isa sa mga pinaka matalinong coach sa mahabang panahon na nagdala ng korona sa Heat noong 2006.

Si Spoelstra, na anak ng isang Irish-Dutch Jon Spoelstra, isang matagal ng tagapamahala ng NBA na sangkot sa Portland Trail Blazers, Denver Nuggets at New Jersey Nets, ay ipinagmamalaki ang kanyang pinang-galingang lahi kahit na alam naman nating tumanggi na siyang maglaro sa PBA.

Dito natin mapapatunayan na Sikat ang Pinoy hindi lang sa Pilipinas kungdi sa iba ring bansa at sa mga mabibigat na obligasyon katulad na lamang ng trabahong eto ni Eric Celino Spoelstra.


Sikat ang Pinoy na Guro sa Maryland

Sunday Jan 31, 2010

Sikat ang Pinoy kay Lito Sayasa, isang pampublikong guro sa Maryland kung saan nakatanggap ng gantimpala bilang “Teacher of the Month” galing sa “Prince George’s County Public Schools”.

Ang pinoy na eto ay nagtuturo na ng halos labing siyam na taon at kasalukuyang nagtuturo sa probinsyang eto ng apat na taon.

Ang tangi nyang sagot kung bakit nya mahal at nagustuhan ang trabaho bilang guro ay inspirado talaga siya dahil sa kasabihang eto mula sa mga tsino “The most satisfying thing in life is to see a child confidently walk down the road on his own after you have shown him the way to go.” Ibig sabihin ay nakakataba talaga ng puso na makita ang isang batang natututo sa iyong pamamaraan ng pagtuturo.

Hindi lang inihahanda ang isang bata sa akademik kungdi nililinang din ang kakayahan nitong maging handa na lutasin ang mga problema sa totoong buhay.

Tunay na kahanga hanga ang taong eto dahil naging Sikat ang Pinoy sa larangan ng pagtuturo lalo na sa ibayong dagat kung saan pinatunayan nyang siya ay sadyang may potensyal.


Bangon Sikat ang Pinoy

Friday Jan 29, 2010

Ang bangon ay isang awiting nagbibigay pag asa sa mga nasalanta ng mga unos lalo na ng Bagyong Ondoy. Dito nagising ang bayanihan kung saan ang milyon milyong Pilipino ay naging isa. Walang kami, walang kayo kungdi ang hangarin ay ialay ang sarili sa iba para tumulong.

Marami ang na antig sa nilalaman ng kantang ito kung saan taglay talaga ng pinoy ang dugo ng tunay na Filipino kugn saan hindi sumusuko at sasabay na lang sa kanta na bangon Pilipinas kong mahal akay ang pananampalataya sa maykapal.

Ang kantang ito isa na namang tunay na gawa ng Sikat na Pinoy na si Rico Blanco. Panoorin nyo at pakinggan ang bidyu sa ibaba para maantig rin kayo sa niloloob ng awiting ito. Mabuhay ka Rico at isa kang tunay na Pilipino na gumagawa ng mga awiting para sa Pilipinas mong mahal at sa mga tao nito.


Sikat ang Pinoy – Walang gustong bumili sa Boracay Mansion ni Erap

Thursday Jan 28, 2010

Naging Sikat ang Pinoy dahil sa Boracay Mansion ng dating Presidente na si Erap. Walang sumali sa subasta ng buksan ito ulit sa ikalawang pagkakataon sa publiko. Eto ay nagkakahalaga ng Php142.9 milyon at walang nag ka interes na bilhin eto.

Ang Boracay Mansion ay bahagi ng hindi maipaliwanag na yaman ng mga Estrada na kung saan ay inihayag sa kainitan ng pagpapatalsik sa kanya noong 2000 hanggang sa unang bahagi ng 2001.

Ano kaya ang dahilan bakit hindi man lang nag kainteres ang sino man na ito ay mapasa sa kanila. Ayaw kaya nilang maging bahagi sila ng madilim na nakaraan ng pag aari na eto o talagang ayaw lang nilang lustayin ang malaking pera nila para sa walang kwentang pag aari na eto?


Shaina at John Prats, Hiwalay na!

Friday Jan 22, 2010

Sikat ang Pinoy : Balitang Showbiz – Hiwalay na pala sina Shaina Magdayao at John Prats. Ito ay matapos ibinuking ni Kris Aquino sa isang episode sa SNN (Showbiz News Ngayon) sa maraming tao na silang dalawa ay hiwalay na.  Nagconfess daw ang aktress na hiwalay na nga silang dalawa, na almost 3 years na magkarelasyon, bago paman dumating ang Pasko. Naging malungkot pala ang naging pasko ng dalawang eto.

Ayaw na munang magsalit ni Shaina tungkol sa kung ano man ang dahilan na kanilang paghihiwalayan in John Prats. Pero inamin naman ng dalaga na until now daw ay nasasaktan parin sa dahil sa nangyari. Di nya eto basta basta malilimutan at kahit na ngang hiwalay silang dalawa, nananatili parin ang mga imahe ni John Prats sa kanyang bagong gadget na Blackberry.  “Di naman madaling palitan ng ganun ganun lang”, sabi pa nga ng aktress.

Maaari parin naman silang maging makaibigan. Sya rin pala ang nag-unang magsalita na makikipagbreak at ayaw narin munang magreconcile silng dalawa. Gusto lang sa ngayon ni Shaina na mag-isip ng positibo at ang nakaraan sa kanila ng dalawa ay maganda rin naman. “Basta, Frienship will always be there” sabi pa niya.


Paunang Satsat

Monday Dec 7, 2009

Masayang satsatan sa inyong lahat at Maligayang pagdating sa satsatan.com!

Satsat dito, satsat dun.  Satsatan sa kanto, satsatan sa opisina, satsatan sa eskwela, sa radyo, sa telebisyon, sa pahayagan, sa Internet at kung saan-saan pa.  Ang pakikipag-satsatan ay ang wan op da peyborit habis ika ng mga Noypi.  Kahit saang sulok man ng daigdig mapunta, kahit anong estado ang marating sa buhay, hindi mawala sa Pinoy ang pagiging satsatero at satsatera.

Ano nga ba ang satsatan?  Sa mga coño nating mga kapatid na hindi sanay managalog, at sa mga kalahating Pinoy, mga ¼ Pinoy, 1/8 Pinoy o kahit sa 1/100 Pinoy na hindi nakaka-intindi ng salitang satsatan. Ang satsatan po ay hindi naka-upong satanas.   Ang satsatan ay pandiwang anyo (as in verb form… masakit na sa ilong) ng salitang Filipino na  satsat.  Satsat na ang ibig sabihin ay pag-uusap, palitan ng kuro-kuro o opinyon, sa madaling salita tsismis.

Ang tsismis ay parte na ng buhay ng bawat Noypi, mula sa tsimis o satsat nabubuo ang mga balita na kung minsan ay nagtutulak ng mga mahalagang pangyayari sa ating lipunan.  Merong mga satsat ng nagdadala ng gulo at may nga satsat na nagdadala ng pagbabago.  Ang mga satsat mula sa umpukan sa kanto, mga tsismis sa barberya, ang mga kwentong nabubuo habang nagto-tong-its ay ang mga kwentong nagbibigay ng kulay at saya sa buhay natin.  Kahit ilang baha, bagyo, lindol, at mga pasaway na pangulo ang dumaan nakukuha paring nating ngumisi at tumawa habang naki-satsat.  Ika nga habang malaya tayong makipag-satsatan buhay ang demokrasya.

Ang satsatan.com ay website (wala yatang tagalong ang website) naglalayong magpalaganap ng balita sa sambayanang Pilipino saan man sa mundo (parang TV Patrol World)! Kung nais nyong sumali sa satsatan o kaya’y gustong mag-mungkahi ng topiko sa ating satsatan kayo malugod na ina-anyayahan. Pwede mag-iwan ng komento sa ibaba ko kayay mag e-mail (wala din yatang tagalong ang email) sa admin @ satsatan . com.

Dito sa satsatan.com, Sikat ang Pinoy!

Nota [as in note, ‘wag malisyoso/a]: Ang satsatan.com ay opisyal na lahok ng mga satsaterong si Kleansy at Clawid at ng satsaterang si Byter sa Palarong SEO.

Maikling Nota [as in short note]: Maraming salamat sa Google.com/translate.