Sikat ang Pinoy – Bulkan ng Apo

Tuesday Feb 9, 2010

Sikat ang Pinoy - Mount ApoSikat ang Pinoy – Bulkan ng Apo – Ang Mount Apo ay isa sa mga sikat na tanawin na matatagpuan sa Mindanao. Eto ang pinakamataas na bulkan sa buong Pilipinas na umaabot ng 2954 meters kaya naging sikat ang bulkang ito. Ang Mount Apo ay hango sa salitang “Apo” na ang ibig sabihin ay “master” o “grandfather”. Isa rin itong tourist spot sa Pilipinas. Marami ang humahanga sa tanawin ng Mount Apo. Ang Mount Apo ang pinaka popular na climbing destination ng mga tao sa Pilipinas at ang unang naitala na pag-akyat sa bulkan na ito ay noong Oktubre 10, 1880 na pinangungunahan ni Don Joaquin Rajal.

Idiniklara ni President Manuel L. Quezon bilang National Park ang Bulkang Apo noong May 9, 1936 at dito na nagsimula na dumagsa ang mga nais masasaksihan ang kagandahan ng Mount Apo. Pinamumugaran rin ito ng humigit kumulang 270 bird species.

Di lang sa galing at talento naipapamalas ng mga Pinoy na sila ay sikat maging sa mga magagandang tawin na makikita sa ating kapaligiran.


Sikat ang Pinoy – Palawan Underground River

Tuesday Jan 26, 2010

Ang Palawan ay isa sa mga madalas na pinupuntahan ng mga local at mga banyaganag turista para maranasan ang malaparaisong lugar na eto dito sa Pilipinas. Ang isa sa mga pinaka ka atraksyon dito ay ang Underground River o tinatawag na “Puerto Princesa Subterranean National Park” ay kinokonsiderang isang “UNESCO World Heritage Site” at ang pinakamahabang ilog lagusan na pwedeng daanan sa buong mundo.

Ang Pambansang Liwasang Subteranyong Ilog ng Puerto Princesa (Ingles: Puerto Princesa Subterranean River National Park) ay isang pambansang liwasan sa Puerto Princesa, sa Palawan. Mararating ito sa 50 kilometro hilaga ng lungsod at Matatagpuan ang pambansang liwasang ito sa Bulubundukin ng San Pablo (Saint Paul Mountain Range) na nasa hilagang baybayin ng pulo. Nahahangganan ito ng Look ng San Pablo (National geography Pilipinas) sa hilaga at ng Ilog ng Babuyan sa silangan. Ang pamahalaang panglungsod ng Puerto Princesa ang siyang namamahala dito simula pa noong taong 1992. Kilala rin ang Pambansang Liwasang Subteranyong Ilog ng Puerto Princesa bilang Ilog ng San Pablong Nasa Ilalim ng Lupa (St. Paul Underground River). Matatagpuan ang pasukan patungo sa ilog na nasa ilalim ng lupa sa isang bayan mula sa Sabang.

Ang Underground River sa Palawan ay kasali rin at nominado na mapabilang sa 7 nakakamanghang tanawin o lugar sa buong mundo. Sikat ang pinoy dito pag nagkataon dahil isa itong tagumpay na pwede nating ipagmalaki kahit sa anumang lahi. Sana naman po ay gawin natin an gating parte na bumoto at mapabilang ito sa 7. Makakaboto ka sa internet ng 7 lugar at isali na ang Palawan Underground River. Pag ito ay nagtagumpay, makakakuha pa tayo ng mas maraming banyagang turista at makaka-ambag sa ekonomiya n gating bansa. Marami ang makikinabang dito at siguradong dagsag trabaho ito sa ating mga kababayan.

Ang liwasan ay mayroong walo sa labing tatlong uri ng gubat na makikita sa tropikal na mga lugar ng Asya. Ito ay ang gubat na nasa ultramafic na lupa, gubat na nasa limestone na lupa, gubat na montane, pantubig-tabang na latiang gubat, mababang lupang evergreen na tropikal na rainforest, gubat na riverine, pambaybaying gubat, at gubat ng mangrove. Ang mga mananaliksik ay nakakita ng higit sa 800 uri ng halaman na galing sa 300 na sari at 100 na pamilya. Kasama dito ang 295 na puno na binbubuo ng mga dipterocarp na uri.

Para Sikat ang Pinoy ay ugaliin nating tangkilikin ang sariling atin. Tangkilikin at puntahan ang mga magagandang puntahang ito para maka ambag sa ekonomiya ng ating bansa. Sulong Pilipinas! Sikat ang Pinoy!