Fil-Am na si Eric Celino Spoelstra, pinakauna at pinakabatang coach sa NBA

Tuesday Feb 2, 2010

Sikat ang Pinoy-Batang NBA CoachSi Eric Celino Spoelstra, ay ang kauna-unahang naging Head Coach na Filipino-American sa NBA. Ang 2006 na kampeon ng NBA na Miami Heat ay pinili ang 37-gulang na Fil-Am para palitan ang paalis nang si coach Pat Riley. Si Spoelstra na nag ugat ang pamilya sa San Pablo, Laguna ay ang pinakaunang tagaturo na Pinoy at tinuturing na pinakabata sa liga.

Ayon pa kay Pat Riley, ang batang coach na si Eric ay isa sa mga pinaka matalinong coach sa mahabang panahon na nagdala ng korona sa Heat noong 2006.

Si Spoelstra, na anak ng isang Irish-Dutch Jon Spoelstra, isang matagal ng tagapamahala ng NBA na sangkot sa Portland Trail Blazers, Denver Nuggets at New Jersey Nets, ay ipinagmamalaki ang kanyang pinang-galingang lahi kahit na alam naman nating tumanggi na siyang maglaro sa PBA.

Dito natin mapapatunayan na Sikat ang Pinoy hindi lang sa Pilipinas kungdi sa iba ring bansa at sa mga mabibigat na obligasyon katulad na lamang ng trabahong eto ni Eric Celino Spoelstra.


Sikat ang Pinoy na Guro sa Maryland

Sunday Jan 31, 2010

Sikat ang Pinoy kay Lito Sayasa, isang pampublikong guro sa Maryland kung saan nakatanggap ng gantimpala bilang “Teacher of the Month” galing sa “Prince George’s County Public Schools”.

Ang pinoy na eto ay nagtuturo na ng halos labing siyam na taon at kasalukuyang nagtuturo sa probinsyang eto ng apat na taon.

Ang tangi nyang sagot kung bakit nya mahal at nagustuhan ang trabaho bilang guro ay inspirado talaga siya dahil sa kasabihang eto mula sa mga tsino “The most satisfying thing in life is to see a child confidently walk down the road on his own after you have shown him the way to go.” Ibig sabihin ay nakakataba talaga ng puso na makita ang isang batang natututo sa iyong pamamaraan ng pagtuturo.

Hindi lang inihahanda ang isang bata sa akademik kungdi nililinang din ang kakayahan nitong maging handa na lutasin ang mga problema sa totoong buhay.

Tunay na kahanga hanga ang taong eto dahil naging Sikat ang Pinoy sa larangan ng pagtuturo lalo na sa ibayong dagat kung saan pinatunayan nyang siya ay sadyang may potensyal.


Sikat ang Pinoy – Walang gustong bumili sa Boracay Mansion ni Erap

Thursday Jan 28, 2010

Naging Sikat ang Pinoy dahil sa Boracay Mansion ng dating Presidente na si Erap. Walang sumali sa subasta ng buksan ito ulit sa ikalawang pagkakataon sa publiko. Eto ay nagkakahalaga ng Php142.9 milyon at walang nag ka interes na bilhin eto.

Ang Boracay Mansion ay bahagi ng hindi maipaliwanag na yaman ng mga Estrada na kung saan ay inihayag sa kainitan ng pagpapatalsik sa kanya noong 2000 hanggang sa unang bahagi ng 2001.

Ano kaya ang dahilan bakit hindi man lang nag kainteres ang sino man na ito ay mapasa sa kanila. Ayaw kaya nilang maging bahagi sila ng madilim na nakaraan ng pag aari na eto o talagang ayaw lang nilang lustayin ang malaking pera nila para sa walang kwentang pag aari na eto?


Bryan Villoria pinataub ni Carlos Tamara ng Columbia

Sunday Jan 24, 2010

Si Carlos Tamara ng Columbia na ang bagong kampyon ng IBF ligh-flyweight matapos na pataubin ang ating paboritong si Brayan Villoria na bantog din sa tawag na “The Hawaiian Punch”. Sa unng round hanggang sa ika 9 lamang si Brayn Villoria sa mga score cards. Subalit nakabawi si Tamara hindi na tinantanan ang ating kampyon hangang sa itigil na lang ng referee sa final round ang laro para hindi na mas lumala pa ang pinsalang idudulot ni Tamara kay Villoria.

Ang Collision Course na titulo ng nasabing palaro ay pinasimulan ng tatlong magkakasunod na panalo mula sa mga paunang pilipinong nakipagbakbakan sa loob ng ring.

Ang nagbabalik na si Jemrex Jaca ay pinabilib na naman ang mga tao sa isang kapana panabik na laro. Pinataub nya ang kanyang kalaban na taga Indonesia sa ikalimang round. Grabeng pahirap ang dinanas ng kalaban sa mga suntok ni Jaca at hindi na nakabangon ng paulanan ni Jemrex ng limang kumbinasyon kung saan tatlo ang brutal na tumama.

Isa lamang patunay eto na nasa kay Jaca pa rin ang pagiging kampyon. Kung matatandaan na lumaban din eto kay Juan Manuel Marquez at natalo. Pero sa kanyang pagbabalik at tagumpay na nakamit, magiging daan eto muli para sa isa na namang magandang laro sa hinaharap.


El Niňo sa Pilipinas – Magtipid sa tubig

Sunday Jan 24, 2010

Ang pagtitipid sa tubig ay kailangan ng ugaliin dahil ang El Nino ay nararamdaman na. Ang bayang Pilipinas ay laging may banta ng kakapusang ng tubig sa ibat ibat parte ng kapuluan. Seryoso ang banta ng kakapusan ng tubig sa Metro Metro Manila. Mainam na rin na naipapaalam ang ganitong impormasyon sa publiko habang maaga pa para makapag handa at maka ambag ng tulong sa sarili at sa kapwa. Eto ay hindi dapat katakutan kungdi dapat ay harapin ng seryoso lalo na ng gobyerno. Ang ganitong mga sitwasyon ay pinaniniwalaang parusa lamang ng kalikasan sa atin. Hindi kasi tayo marunong marunong mag alaga at gumamit ng mga likas na yaman sa ating paligid.

Ang usaping eto ay dulot lamang ng isang tinatawag na El Niňo Phenomenon. Eto ay nararamdaman sa mga bansang tropiko at eto ay nararamdaman na at nangyayari sa ating bayan noong mga nakaraan pang taon. At dito sa Pilipinas isa etong pahirap sa mga tao at ang kakulangan sa suplay ng tubig ay agad na mararamdaman.

Ang tamang gawin ay mag tipid ng tubig. Isa-isip ang ganitong gawain para kahit papano ay makaambag ng tulong sa ganitong mga sitwasyon. Sa ganitong pamamaraan ay naipapakita natin ang tunay na pagiging pilipino at pagiging makatao. Dito laging lumalabas ang tunay nating anyo na maging matulungin sa oras ng pangangailangan.