Ang bangon ay isang awiting nagbibigay pag asa sa mga nasalanta ng mga unos lalo na ng Bagyong Ondoy. Dito nagising ang bayanihan kung saan ang milyon milyong Pilipino ay naging isa. Walang kami, walang kayo kungdi ang hangarin ay ialay ang sarili sa iba para tumulong.
Marami ang na antig sa nilalaman ng kantang ito kung saan taglay talaga ng pinoy ang dugo ng tunay na Filipino kugn saan hindi sumusuko at sasabay na lang sa kanta na bangon Pilipinas kong mahal akay ang pananampalataya sa maykapal.
Ang kantang ito isa na namang tunay na gawa ng Sikat na Pinoy na si Rico Blanco. Panoorin nyo at pakinggan ang bidyu sa ibaba para maantig rin kayo sa niloloob ng awiting ito. Mabuhay ka Rico at isa kang tunay na Pilipino na gumagawa ng mga awiting para sa Pilipinas mong mahal at sa mga tao nito.
Naging Sikat ang Pinoy dahil sa Boracay Mansion ng dating Presidente na si Erap. Walang sumali sa subasta ng buksan ito ulit sa ikalawang pagkakataon sa publiko. Eto ay nagkakahalaga ng Php142.9 milyon at walang nag ka interes na bilhin eto.
Ang Boracay Mansion ay bahagi ng hindi maipaliwanag na yaman ng mga Estrada na kung saan ay inihayag sa kainitan ng pagpapatalsik sa kanya noong 2000 hanggang sa unang bahagi ng 2001.
Ano kaya ang dahilan bakit hindi man lang nag kainteres ang sino man na ito ay mapasa sa kanila. Ayaw kaya nilang maging bahagi sila ng madilim na nakaraan ng pag aari na eto o talagang ayaw lang nilang lustayin ang malaking pera nila para sa walang kwentang pag aari na eto?
Posted by satsatan | Under Artista, Satsatan
Friday Jan 22, 2010
Sikat ang Pinoy : Balitang Showbiz – Hiwalay na pala sina Shaina Magdayao at John Prats. Ito ay matapos ibinuking ni Kris Aquino sa isang episode sa SNN (Showbiz News Ngayon) sa maraming tao na silang dalawa ay hiwalay na. Nagconfess daw ang aktress na hiwalay na nga silang dalawa, na almost 3 years na magkarelasyon, bago paman dumating ang Pasko. Naging malungkot pala ang naging pasko ng dalawang eto.
Ayaw na munang magsalit ni Shaina tungkol sa kung ano man ang dahilan na kanilang paghihiwalayan in John Prats. Pero inamin naman ng dalaga na until now daw ay nasasaktan parin sa dahil sa nangyari. Di nya eto basta basta malilimutan at kahit na ngang hiwalay silang dalawa, nananatili parin ang mga imahe ni John Prats sa kanyang bagong gadget na Blackberry. “Di naman madaling palitan ng ganun ganun lang”, sabi pa nga ng aktress.
Maaari parin naman silang maging makaibigan. Sya rin pala ang nag-unang magsalita na makikipagbreak at ayaw narin munang magreconcile silng dalawa. Gusto lang sa ngayon ni Shaina na mag-isip ng positibo at ang nakaraan sa kanila ng dalawa ay maganda rin naman. “Basta, Frienship will always be there” sabi pa niya.
Posted by satsatan | Under Artista
Monday Jan 11, 2010
Sikat ang Pinoy kahit saan mang larangan mapa musika, sports at pag-arte. Tunghayan natin ang unang silip para sa first taping date ng ating dating presidenteng si Cory Aquino na lalabas sa Maalaala Mo Kaya. Sa January 25 ay magdiriwang sana si Ginang Cory ng kanyan 77th birthday kaya nga handog ng MMK ang 2 part feature ang buhay ni Ginang Cory Aquino.
Si Bea Alonzo ang gaganap bilang si Cory Aquino at isang batikang aktor na si Piolo Pascual bilang ang ating National Hero Benigno “Ninoy” Aquino. Tunghatayan natin ang iba silip para sa pagganap ni Bea Alonzo bilang si Ginang Cory Aquino.
Abangan sa ABS-CBN sa January 23 ang paganap ni Bea Alonzo Bilang si Cory Aquino.
Bulag na Sulok (Blind Corner) Sikat ang Pinoy- Sino kaya etong sikat na aktor at aktress ang napapabalitang magkasamang nagshoshopping na romantic sa SNR Grocery sa Fort. Gamit lamang ang isang shopping cart, magkasabay ang lalaki at babaeng superstar na tinutulak ang shopping cart kung saan ang gurl na superstar ay nasa harap ng lalaking superstar at sabay na niyayakap ang babae..? At habang naglalakad sila, nahuli pang nag smock??? Hmmm.. sino kaya etong mga sikat na artista??
Caught romantic shopping at SNR grocery at the Fort a male and female superstars. Using one shopping cart, they jointly pushed it with girl superstar in front as boy superstar embraced her from her back. While making their round of the aisles, they smooched!
Posted by satsatan | Under Artista, Tsismis
Tuesday Jan 5, 2010
Si Efren Peñaflorida ay isa sa kilalang sikat na Pinoy dahil sa naging CNN Hero of the Year siya. Iginawad sa kanya ang karangalang CNN Hero dahil sa walang pagdadalawang isip na maging isang mabuting ihimplo sa mga nakakaraming mga Pinoy para makatulong sa kapwa Pilipino.
Sa Pagpasok ng bagong taon, napabalitang niligawan ng ating CNN Hero na si Efren Peñaflorida ang isang sikat at batikang aktres na si Angel Locsin. Noong nakaraan live guesting ni Angel sa The BUZZ, isang showbiz talk show ng ABS-CBN na panag-usapan ang mga lalaking nagkaroon ng kaugnayan sa kanya noong nakaraang taon sa ngayon. Naging mainit din ang talakayan nang unang pinag-usapan ang ex-boyfriend nya na si Luis Manzano.
Ready na ba si Angel to be “Fall in Love Again?”
Ang sagot ni Angel dito ay hindi pa sa ngayon. Sabi pa nga niya “Masarap ma-in love. Pero sa tamang tao at tamang panahon. Pag alam mong ibinigay ni God sa iyo.” May sagot naman si Angel sa pangliligaw ni Efren Peñaflorida sa kanya. Nakikita kasi ni Angel na dahil sa nagawa ni Efren Peñaflorida (isa sa dahilan kung bakit naging sikat ang pinoy) siya ang magiging bagong pag-asa ng ating bansa. Ayaw niyang maapektuhan ang HOPE na ating bansa kung magkakaroon sila ng relasyon dahil sa napaka gulong mundo ng showbiz. Sa ngayon gusto muna ni Angel na friends muna sila ng ating CNN Hero of the Year.
Recent Comments