Posted by satsatan | Under Sikat Ang Pinoy
Wednesday Dec 30, 2009
Disyembre a-trenta ang petsa kung saan ang ini-idolo ng sambayanang Filipino ay binaril sa may Luneta. Si JOSE RIZAL, ang pambansang bayani ng Pilipinas at pinagmamalaking lahi ng mga Malay ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa bayan ng Calamba Laguna. Siya ay ikapitong anak sa labing isang magkakapatid (2 lalaki at 9 babae). Ang kanyang ama na taga Binan Laguna ay si Francisco Mercado Rizal, isang masipag na magsasaka kung saan tinagurian ni Rizal na “modelo ng mga ama” habang ang kanyang ina na si Teodora Alonzo y Quintos na ipinanganak sa Meisic, Sta. Cruz, Manila ay isang mapagmahal at maingat na ina.
Sa edad na tatlo, nalaman nya ang alpabeto sa tulong ng kanyang ina; at sa edad na lima, habang natututo siyang magbasa at magsulat, ipinamalas na nya na siya ay may kakayahang maging isang mangguguhit. Sa katunayan, naging paraan ito para mamangha ang kanyang pamilya at kaanak.
Mga alaala lamang ito ng isang pambansang bayani na kung saan noong Disyembre 30, 1896 ay binaril sa may bagumbayan (Luneta ngayon). Ang mga alaalang ito kung saan sikat ang pinoy ay hindi dapat malimutan at isantabi lalo na ng mga kabataan na pinangalanan nyang pag-asa ng bayan.
Muli po ay ating gunitain ang kanyang kadakilaan sa kanyang ika-113 na anibersaryo ng kanyang pagkamatay. Mabuhay ka Gat Jose Rizal. Mabuhay ang Pinoy!
Posted by satsatan | Under Kasaysayan
Monday Dec 28, 2009
Barong Tagalog
Isa sa mga dahilan kung bakit naging sikat ang pinoy ay dahil din sa kulturang nakagisnan natin mula pa sa ating mga ninuno. Isa sa mga dahilan dito ang pananamit ng mga Pinoy – ang Barong Tagalog.
Ang Barong Tagalog ay isa sa mga sikat na pormal na damit na sinusuot ng mga pinoy. Isa ito sa mga ginagamit na damit tuwing may kasalan, binyagan at kung ano ano pang pormal na okasyon.
Saan nagsimula ang paggamit ng Barong?
Mula pa man dumating dito ang mga Espanyol, ginagamit na ng ating mga ninuno sa bandang Timog na parte ng Luzon ang damit na maari nating maihalin tulad sa Barong Tagalog. May haba itong lagpas ng kaunti sa ating baywang, ito ay walang kulay at wala ring butones. Ang Barong Tagalog ay hango din sa salitang “Baro” na ang ibig sabihin ay “Damit” , “Barong” na ibig sabihin ay “Damit ng” at ang “Barong Tagalog” na ang ibig sabihin ay “Damit ng mga Tagalog”.
Ang Barong Tagalog ay ang Pambansang Damit ng mga Filipino, isa sa mga dahilan kung bakit nabansagang Sikat ang Pinoy.
Posted by satsatan | Under Uncategorized
Monday Dec 14, 2009
Ang suntukang Manny Pacquiao kontra kay Floyd Mayweather Jr. ay tuloy na tuloy na! Eto ay isang balitang inantabayanan ng lahat ng mga Filipino lalo na iyong mga mahilig sa boksing.
Ang dalawang boksingerong eto ay inaasahang magtagpo sa Marso 13, 2010. Isa na naman etong pinakamalaking pangyayari sa buhay ni Manny Pacquiao at magsisilbing tulay para ipakita nya sa buong mundo na kaya nyang talunin o di kaya ay patumbahin ang pala satsat na si Floyd Mayweather Jr.
Kung pagbabsehan lang ang mga nakaraang laban ng dalawa, nakakalamang ang iniidolo at ipinagmamalaki ng Pilipinas na si Manny Pacquiao. Marami na siyang natanggap na parangal dahil sa kanyang kadakilaan at tapang na harapin ang kanyang mga kalaban sa boksing.
Pero sa aking napansin sa kanyang magiging kalaban sa susunod na taon, eto ay gagawa na naman ng eksena na lilikha ng ingay. Alam naman nating lahat na si Floyd Mayweather ay hindi lang isang boksingero kungdi isa ring mang aawit na ngawa ng ngawa. Tinuturing nya pa rin na siya ang numero uno sa larangan ng boksing dahil wala siyang talo. Kaya ang lahat ay naka abang sa parating na laban na eto.
Manatili at magbasa lagi dito sa satsatan.com para sa mga sariwa at mga bagong balita kung saan sikat ang pinoy.
Posted by satsatan | Under Sikat Ang Pinoy
Friday Dec 11, 2009
Kumakailan lang isa na namang Pinoy ang nagpakita ng galing at talento sa ibang bansa. Ang ating kababayang si Alexander “Alex” Martinez ay nagpamalas ng kanyang talento sa bansang Poland. Si Alex ay nanalo ng ikatlong pwesto (3rd place) sa kakatapos lang ng “Mam Talent”. Ang “Mam Talent” ay bersyon ng Poland sa sikat na talent-reality search na “America’s Got Talent” at “Britain’s Got Talent”.
Nagpakitang gilas si Alex sa larangan ng pag-awit. Humanga ang mga Polish sa galing ng ating kababayan ng bumirit ito ng doble carang falsetto-soprano na bersyon ng awitin ni Andrea Bocelli na Time To Say Goodbye sa semi-final ng patimpalak. Lalong humanga ang mga hurado ng bumirit ng nakaka-indak na rak ‘en rol sa kanyang bersyon ng awiting “The Final Countdown” ang ating kababayan.
Si Alexander ay nanalo ng limang libong (5,000) Euro at tiket sa eroplano pauwi sa Pilipinas. Ang tagumpay ni Alexander Martinez ay isa namang patunay na Sikat ang Pinoy!
Posted by satsatan | Under Satsatan
Monday Dec 7, 2009
Masayang satsatan sa inyong lahat at Maligayang pagdating sa satsatan.com!
Satsat dito, satsat dun. Satsatan sa kanto, satsatan sa opisina, satsatan sa eskwela, sa radyo, sa telebisyon, sa pahayagan, sa Internet at kung saan-saan pa. Ang pakikipag-satsatan ay ang wan op da peyborit habis ika ng mga Noypi. Kahit saang sulok man ng daigdig mapunta, kahit anong estado ang marating sa buhay, hindi mawala sa Pinoy ang pagiging satsatero at satsatera.
Ano nga ba ang satsatan? Sa mga coño nating mga kapatid na hindi sanay managalog, at sa mga kalahating Pinoy, mga ¼ Pinoy, 1/8 Pinoy o kahit sa 1/100 Pinoy na hindi nakaka-intindi ng salitang satsatan. Ang satsatan po ay hindi naka-upong satanas. Ang satsatan ay pandiwang anyo (as in verb form… masakit na sa ilong) ng salitang Filipino na satsat. Satsat na ang ibig sabihin ay pag-uusap, palitan ng kuro-kuro o opinyon, sa madaling salita tsismis.
Ang tsismis ay parte na ng buhay ng bawat Noypi, mula sa tsimis o satsat nabubuo ang mga balita na kung minsan ay nagtutulak ng mga mahalagang pangyayari sa ating lipunan. Merong mga satsat ng nagdadala ng gulo at may nga satsat na nagdadala ng pagbabago. Ang mga satsat mula sa umpukan sa kanto, mga tsismis sa barberya, ang mga kwentong nabubuo habang nagto-tong-its ay ang mga kwentong nagbibigay ng kulay at saya sa buhay natin. Kahit ilang baha, bagyo, lindol, at mga pasaway na pangulo ang dumaan nakukuha paring nating ngumisi at tumawa habang naki-satsat. Ika nga habang malaya tayong makipag-satsatan buhay ang demokrasya.
Ang satsatan.com ay website (wala yatang tagalong ang website) naglalayong magpalaganap ng balita sa sambayanang Pilipino saan man sa mundo (parang TV Patrol World)! Kung nais nyong sumali sa satsatan o kaya’y gustong mag-mungkahi ng topiko sa ating satsatan kayo malugod na ina-anyayahan. Pwede mag-iwan ng komento sa ibaba ko kayay mag e-mail (wala din yatang tagalong ang email) sa admin @ satsatan . com.
Nota [as in note, ‘wag malisyoso/a]: Ang satsatan.com ay opisyal na lahok ng mga satsaterong si Kleansy at Clawid at ng satsaterang si Byter sa Palarong SEO.
Recent Comments